Welcome to Anini-y, Antique!
First stop is the Siraan Hot Spring Resort.
Dahil sa wala talaga sa plano, napag usapan namin magcommute lang. From Molo Terminal, we took a Ceres bus. Fare cost us around P98.00 and just told the bus conductor to drop us to Siraan Hot Spring Resort. It was almost 2hour travel time. Wala talaga kami masyadong idea sa madadatnan namin kaya it was a pleasant surprise!
Pagpasok namin, andun agad ang lobby. Entrance Fee cost P40. Sabi nga namin baka pwedi libre na lang ang entrance since kukuha naman kami ng room dahil mag oovernight kami. Hindi pwedi kasi may percentage sa kita ang barangay which is good naman kasi nakakatulong kami. Dito na rin magpapabook ng bangka going to Nogas Island.
Affordable yung mga rooms nila. Yung nakuha namin almost good for more than 10 persons. It cost us mga P1800. It has 4 beds, may aircon at may sariling banyo. May mga Fan Room din sila for smaller pax.
Maraming development sa place. New cottages were being built kaya lalo pa itong gaganda sa susunod na pupunta ulit dito.
Kanza Grill |
May restaurant sa loob na tinatawag nilang Kanza Grill. Masarap naman yung food nila at affordable din. Meron silang videoke dito sa mga mahilig kumanta. Minsan may nag aacoustic band dito lalo na kapag friday.
Siraan Hot Spring |
Yung hot spring pool nila comes in different sizes pero ito yung mas gusto namin kasi tanaw ang dagat. Kasya ang limang katao dito pag nakalubog ng nakaupo ng pahorizontal. Hindi ganun kastrong ang smell ng sulfur. Relaxing talaga ang tubig.
The side surrounding the resort was rocky which adds as a beautiful background when taking photos.
Background seems surreal because of the sunset |
You might also like:
Nogas Island |
Anini-y Church |
Hi there! Thanks for this updated review of Siraan resort. We are planning to stay there this weekend and I'm a bit apprehensive because most blogs I have checked were outdated and the resort look shabby, but thanks to you, my excitement returned.
ReplyDelete